Tumblr Mouse Cursors
Serendipity
install
   
icon
Posts tagged fiesta.
Doon sa may Bulacan

April 29, 2012 - Kapitangan, Paombong, Bulacan

Pinuntahan namin ang asawa ng pinsan ko kasi bagong dating siya galing Saudi ata? At para maki-fiesta. First time ko lang siyang nakita nun. Kasi dati pa dahil kinukwento na siya ng mga tita ko ini-imagine ko talaga kung ano ang ichura niya. Haha. Ewan ko ba kapag hindi ko pa talaga nakikita ang isang tao at alam ko na ang pangalan pilit kong ini-imagine kung ano ang ichura niya. Bute na lang din at nandun ang mga ibang pinsan ko kaya komportable ako.

First time ko din palang makapunta sa Barasoain Church.

Mahilig talaga akong sumama kapag may family gathering. Sa amin atang magkakapatid ako lang ang pinaka-game pagdating sa mga ganitong bagay. Para kasi sa akin “nothing beats family” tama ba? Haha. Kasi kapag kasama mo ang pamilya mo parang humihinto ang oras at dumadating talaga ang point na ayoko ng bumalik sa realidad at ayoko na ring bumalik ng Maynila. Haha! Pagdating kasi sa kanila kahit marami silang pinagdadaanan ay masaya pa rin sila, mas nangingibabaw pa rin ang tuwa at galak na magkikita ulit kami. Kumbaga, time-out muna sa nakaka-stress na buhay at tumawa muna tayo.