May 23, 2013 - Happy Birthday and Christmas Gift
Unang una sa lahat, gusto ko lang sumigaw ng:
E M E G E D ! ! !
Nagkita kami ulit ni Lasome ngayon kasi may ipinasa akong requirements sa UST. So dahil break naman niya ng 12 to 1pm sa OJT niya, sinulit ko lang ang moment (nuks) na makasama siya. Tas pagkakita ko sa kanya sabay may inaabot siya saking gift. ^ oo ayan, yan sa taas ang tinutukoy ko! Emeged ulit kasi binigyan niya ako ng gift! (Finally) HAHAHA! Kaya finally kasi ilang months na rin niya sinasabi na bibigyan niya daw ako ng regalo dahil birthday ko at hanggang sa umabot na ng Pasko at New Year. Nakakatawa lang kasi tinotoo niya. Anyways, hindi naman ako nag-eexpect eh. I don’t mind anyway. Chos! Pero yun nga, dahil hindi ako nag-expect or whatsoever, bongga naman akong nagulat. Kaya pwede na. HAHAHA! Seems legit. Chos! (Ayan nahahawa ako ng kaka-chos dahil sa letter mo)
Sobrang nakakatouch lang kasi kilalang kilala na niya ako. Alam niya kasi kapag may pages ang isang bagay o isang book, alam niyang ibabrowse ko ang mga pages nito at ina-assume na may nakasulat or naka-ipit doon. Tas yun nga meron nga letter na nakaipit sa book! Hihihi! Kinikilig ako kasi akala ko sa pelikula lang nangyayari yon. HAHAHA. Okay, medyo feeler ako don. Huehuehue.
At todo effort siya kasi siya lahat gumawa niyan! Syempre except dun sa cute na polka dots na paper bag at yung mismong book. Ang artsy fartsy talaga!
Drama mode:
Napaka-swerte ko kasi isa ako sa mga bestfriends niya. At sobrang swerte ko din kasi siya ang best-est friend ko sa buong mundo. Siya na ata ang taong alam na alam ang storya ng buhay ko. Actually, pati na rin ata kaluluwa ko. Mahal na mahal ko si Lasome kahit anong mangyari. Through thick and thin, I’ll always be here forever for her. Higit sa lahat, hinding-hindi ko talaga siya pagpapalit kanino man o kahit sa anong materyal na bagay.
Kaya Lasome,
THANK YOU FOR EVERYTHING ♥ ♥ ♥
May 9, 2013 - Realization with Jamie
Deadma. Deadma, ayan ang ginagawa ng mga taong walang pakialam. Deadma. Deadma ang ginagawa ng mga taong nagbubulagan, nagbibingian at minsan naman ay nagpipipian (tama ba?)
Sila ang kalaban ng mga taong may pakialam sa buhay. Sila ang kalaban ng mga taong may concern sa kapwa. Para sa akin, ang mga taong may pakialam sa buhay ay yung mga taong hindi pa nararanasan yung naranasan nung mga taong deadma OR the other way around. Kumbaga hindi pa sila napapagod at nagsasawa. Hindi pa nila nararanasan ang lintik ng buhay at ng mapaglarong tadhana. (Punyeta. May hugot)
At hindi natin maiwasan mainis o magalit sa mga ganitong tipo ng tao. Minsan kasi nakakadagdag sila problema o kaya naman ay nakikisabay pa sila sa pangit na daloy ng buhay. Lalong nakakafrustrate. Lalong nakakapagod. Lalong nakakagago.
Bakit nga ba dinedeadma lang nila ang mga ilang bagay?
Siguro kasi nagsawa na sila sa ganong klase ng sitwasyon. Yung tipong paulit ulit na lang pero walang nangyayari. Siguro din kaya sila nagsawa dahil napagdaanan na nila ito ng maraming beses at katulad nga ng sinabi ko, wala namang nangyayari. Wala silang napala. Siguro din kasi naranasan na nilang mag-expect ng sobra at kung minsan isang malaking disappointment lang ang makukuha nila kapag hindi natupad. Katulad din yan ng pag-eeffort ng bongga at masisira lang ang plano sa huli.
And that was the reason how they master the Art of Deadma.

May 20, 2013 - Motivations to live by
“The biggest mistake is not to try.”
























