February 26, 2012 - NSTP Fieldwork 2nd day: Bustos, Bulacan
Pangalawang araw na ng fieldwork namin sa Bulacan at mejo naexcite ako kung ano naman ang susunod naming gagawin. Umaga pa lang hindi na namin sinayang ang oras at nagsimula kagad kami. Pinagbutas kami ng gulong ng isang prof. ng isang section na si ser Paul. (crush ng kaibigan ko si ser eh! ;p haha!) Sa tingin mukang madali.. oo madali naman talaga (haha!) kaso ang nagpahirap dito ay ‘yung pamatay na amoy ng gulong, yung amoy parang sinusunog. Friction kasi eh, kaya nakakagawa siya ng usok at nagdudulot ng masamang amoy. (Nuks! Physics-Physics din!)

Kaya siguraduhing nakatakip ng mabuti ang inyong matatangos na ilong!

Samantalang ang iba naman ay ipinagpatuloy na ang paggawa sa ‘foundation’ ng playground.

May bakanteng classroom na malapit sa pinagbubutasan naming ng gulong, sana magamit na nila sa susunod na pasukan ito.

Dahil kami ang unang grupong natapos, may pinagawa kaagad si ser Paul sa amin. Naglakad kami ng mejo malayong lugar na pinagkukuhanan ng mga kawayan. Kahit na tirik na tirik ang araw at chempong mga alas dose ng tanghali ay gora pa rin kami.
Magandang experience din ito kasi nakita namin ang ibang parte ng Bulacan. Probinsyang-probinsya, tahimik, at yung feeling na wala silang tv sa kanilang mga bahay dahil mukang walang kuryente. Syempre pananaw ko lang ‘yun! Kasi kung makikita mo sa bayan na ‘yon nasa labas lahat sila ng bahay, yung bang akala mo magkakamag-anak ang mga magkakapitbahay doon, lahat magkakakilala, yung tipong walang nakatago sa loob ng bahay. Makita mo mga nagkukwentuhan lang sila, pa-chill chill lang kahit simple lang ang kanilang mga tirahan at sa aking nakikita, mukang masaya at kontento sila sa kanilang buhay, kahit may problema, mga nakangiti pa rin. Swak na swak na sila. (Sana magets niyo ang pag-eexplain ko dito. Haha!)

Habang naglalakad kasama ang mga kagrupo ko. Syempre magandang makita ng iba na naglakad talaga kami ng malayo. Haha!

Safe and sound.

Jumping bebe gerls: Tet and Guia.

Dati mga anim o sampu ata ang nabilang ko nun na nagbuhuhat ng makapal at napakahabang kawayan na ito, ngayon apat na lang!

Ang totoong istorya sa pagbubuhat ng ganito kalaking kawayan, at may 5 M ito:
Mahirap dahil malayo pa ang aming destinasyon bago namin maibababa ito. Mabigat, lalo na apat lang kaming nagbubuhat. Masakit, pakiramdam mo bibigay na ang iyong mga balikat. Masaya dahil ibang experience na naman ito para sa amin at paniguradong hinding-hindi namin ito makakalimutan. at ang ika-limang M, Malakas ang naging pakiramdam ko nung malapit na kami ulit sa eskwelahan para ibaba ito. :p

At ang pinaka-last na pinagawa sa amin ay ang magfacilitate sa ibang grupo na first day lang sa Bulacan. Pinagawa namin sa kanila ay kung ano ang pinagawa sa amin nung nakaraan. Infairness, mahirap talagang magfacilitate. dahil sa amin pa lang hindi na sila nakikinig, sa mga prof. pa kaya.

Pero gayumpaman, naging maganda naman ang flow dahil naki-cooperate lahat sila pagdating sa drawing-drawing portion.
Ito na ang pinakahuling fielwork namin sa NSTP, masaya din na malungkot ang pakiramdam ko. Masaya kasi marami akong natutunan, hindi lang sa magandang asal, pati na rin sa paggawa ng mga bagay na hindi mo inaasahang magagawa mo sa buhay mo, tulad ng pagpapako tas tatamaan pa ang daliri mo, sa pagtatapyas ng mga kawayan hanggang sa pagbubuhat ng mga malalaking kawayan. Talagang masasabi mong hindi biro ang buhay ng mga karpintero at ng mga ibang manggagawang Pilipino. Malungkot naman kasi ito na ang huling ‘fieldtrip’ namin sa college, dahil sa course ko hindi uso fieldtrip. Haha! Tanging computer at calculator lang ang lagi naming kasama. At isa pang malungkot na dahilan ay hindi namin natapos yung target naming playground para sa mga bata dahil sa kakulangan ng oras. Pero nung nakita ko sa slideshow dun sa Culminating namin, natapos naman pala ng ibang section ;)
Kaya sa mga susunod na Sophomores ay maging maganda din sana ang kanilang karanasan sa NSTP at pahalagahan nila ang bawat fieldwork na kanilang pupuntahan at sana may matutunan din sila. Dahil ang NSTP ang isa sa mga magbibigay ng marami rason kung ano talaga ang buhay.
Ps: Thank you ser Aboboto! ;)
February 19, 2012 - NSTP Fieldwork 1st day: Bustos, Bulacan
Ang fieldwork namin ay tungkol sa Children’s Rights, dahil ang bawat kabataan ay may karapatang maging masaya, karapatan din nilang mag-enjoy sa pamamagitan ng paglalaro.

Ito nga pala ang patunay na nakasakay na ako sa NSTP Bus. Apir!

Goodmorning!



With Guia with the G.

With Marc, Tet and Bon.

Trios: Bryan, Romar and Jom.

Sinimulan namin ito sa pagkas-kas ng mga bamboo. (Hindi ko din alam kung tama ‘yung term ko. Haha!) Maaga pa lang ay nagbanat na kami ng buto.


Break time.

After ng break, may pinagawa sa amin ang prof. namin. May apat na tanong siya tungkol sa Children’s Rights, at sasagutin namin ‘to sa pamamagitan ng pagdrawing.



Nakapaglibot-libot din naman kame. Nakakatuwa kasi sa loob ng eskwelahan nila ay may mga tanim sila, tulad ng talong. Baby talong.

Feeling ko ang vain ko dito. Feeling lang! Haha.

Isa pang patunay. Haha! Pasensya na hindi talaga ako maka-get over dito. Kasi ang sarap nung feeling na bumabyahe ka sakay ng isang bus na may pangalan ng school mo. Nakaka-proud ang feeling te.

During discussion. Just silhouette.

Habang ineexplain namin ni Guia kung ano ang dinrawing namin. Hindi naman kailangang maganda ang drawing eh, basta ang importante maganda ang explanation. Oha!

Nang sumapit ang hapon at mataas pa rin ang sinag ng araw, nagsimula na kaming lagyan ng mga nilagaring bamboo doon sa skeleton ng playground.

Kawang-gawa with ma groupmates.


Ang natapos ng ibang group para sa day one.

Masaya ako dahil kahit papaano ay may nai-contribute naman kami bilang C-ENG 24 sa araw na ‘yon. At kahit anong ipagawa ng prof. namin ay walang tanggi na gawin ng mga kaklase ko, lalo na ang mga kagrupo ko. Feeling ko nga ang grupo namin favorite ni ser eh! Haha. Joke. Game na game kami kahit sinalubong pa kami ng init ng araw. Balewala sa amin kung umitim man kami. Basta ang importante ay matapos namin ang playground para sa kanila, na isa na rin sa mga bagay na makakapag-pasaya at makakapagbigay ng gana sa pagpasok nila sa eskwelahan.
February 7, 2012 - 2nd day
2nd day na ng Eng’g week at gusto naman naming maiba. Masaya ako kasi for the first time naglakas loob si Lasome na dalhin ang DSLR niya. WADDUP! ‘yun na ata ang pinaka-magaang na DSLR na nahawakan ko. It’s a Canon D600. WADDUP! Pasensya na, hindi talaga ako makaget-over sa pagka-awesomeness ng camerang ‘yun! Haha!
At dahil wala naman kaming magawa, tambay kami sa may field.

CTHM Team.

Fish-eye effect. (San ka pa!)

Super chucks ni Sherwin.

Si Sherwin.


Pagkatapos sa field, sa harap ng Main Building naman.

Nung umpisa, ayaw ko pang magpa-picture… At nang hindi naties…

Ayan ang nangyari. Hahaha!

Effortless. Hahaha!


Favorite ko ‘to! Salamat kay Sherwin, ang galing!
After namin sa P.Noval, nakita namin sila…

HEKHEK! >:) Ang pangatlong tambayan kasama sina Tine at Loraine.


Ang galing ng camera niya, nag-aala Paul Quiambao ang mga kuha. HAHA!


Ako may kuha niyan! - Pa-experience. Haha!


Tamo, sa UST pa lang ang dami mo ng pwedeng makuhanan ng mga magagandang litrato, paano pa kaya kapag buong Pilipinas na. (Nuks.)
Salamat kay Lasome sa mga litrato ;)
























